Sunday

Sometimes, the simplest advice that you give to others is the hardest thing for you to follow.



OO. Madali lang naman kasi magpayo sa iba eh. Ika nga, “madaling magsalita, di mo kasi alam ang tunay na nangyari at tunay nilang nararamdaman”
Ganyan din naman ako. Naiinis din ako kapag hindi nila sinusunod ang payo ko.
Pero ako, sinusunod ko ba sila, lalo kung pinipilit ko padin ang gusto ko? HINDI ko din magawang sumunod sa payo, dahil yung gusto ko parin ang gagawin ko.
BAKIT BA KASI GANUN?
Kaya nga tayo pinapayuhan para gabayan di ba, magbigay ng comment sa nakikita nila sau. FEEDBACK. Ano na ba ang tingin nila sau sa panahong ito? Tanga? Nagtatanga-tangahan? Martir? Bulag? Ano??!
Pero hindi eh, kalimitan pag malakas ang puso kaysa sa utak, nadadaig na nito ang mga tamang gawin. Katwiran nga palagi. “eh eto ang nararamdaman ko eh”,
HINDI NA NATIN NAGAGAWANG MAKINIG. BINGI KA NA KASI. BINGI. 
Oh baka naman nagbibingi-bingihan lang tayo. May mga pagkakataong ganun kasi eh. Yung tipong TAKE THE RISK. Nagbabakasakali. Baka kasi pagsinunod natin ang sarili natin may maganda PANG mangyayari.
Talagang hindi tayo matatauhan kung di pa tayo nakadama ng sobrang sakit at pagkawalang pag-asa. Hanggat hindi mo nasasaktan ang sarili mo o damdamin mo ng sobra, hindi ka pa titigil dba.
At yung tipong magsisisi ka, NA SANA NAKINIG AKO SA PAYO MO
May mga bagay na dapat i-consider natin ang payo ng iba. Kai sila ang mas nakakasama natin.. Kaibigan, Pamilya, Kaklase.. at iba pang malalapit sa inyo.
Hindi man sila perpekto, malay mo naging kamalian na nila yan dati na ayaw na iparanas sayo. Isipin mo para sa iyong kabutihan ang payo ng taong malalapit sayo.
HINDI rin masama pakinggan ang sarili. Pero hindi sa lahat ng bagay, ay TAMAlagi ang nararamdaman mo. Marahil ikaw nga lang ang nakakaintindi ng husto sa sitwasyon mo, pero sana gamitin mo ang mga bagay na pinagkaloob sayo ng tama, gaya ng ISIP at PUSO. Gamitin mo ng wasto. Wag mong abusuhin. Dahil ikaw din ang mahihirapan at masasaktan sa huli.

BANAT 1

Sana naging TELEPONO na lang ako, Para may pag-asang SAGUTIN mo ako.